Kay bilis talaga magdaan ng panahon
Sariwang-sariwa pa sa'kin ang kahapon.
Parang kailan lamang nang ika'y ligawan,
Ngunit ngayo'y naghiwalay na ng tuluyan.
Sa paarala'y dating 'di magkakilala
Nagkakasalubong, ngunit 'di mahalaga.
Nang dumating ang araw na nagkilala,
Buhay ko ay tila napuno ng sigla.
Sa umaga, mukha mo ang nais na makita,
Nagsisilbing lakas upang magpatuloy pa.
Masilayan lamang ang iyong mga mata,
Sulit na ang aking pagpasok sa eskwela.
Sa pasilyo, maglalakad ng magkasama.
Sa hagdanan, magkikita kapag lunch break na.
Sa klase'y ie-excuse para kumustahin,
At sa hapon pag-uwi'y magkasama pa rin.
Kay sarap nga namang balikan ang panahon,
Panahong noo'y sa akin pa nakatuon.
Bakit nga kaya ako'y iniwan mo, sinta?
Kung kailan pag-ibig ay sobra sobra na.
Hindi kita masisi nang ika'y umalis
Bigla mo na lang sinabi na ayaw mo na.
Ika'y napabayaan ko ng labis labis,
At dahil doon, ako ngayo'y nagdurusa.
Sa buhay mo ngayon, sana'y masaya ka na,
Wala ng "ako" para paiyakin ka pa.
Lubhang masakit ng ika'y pinabayaan,
Gaya ng sakit nang ika'y pinakawalan.
Kay bilis talaga magdaan ng panahon
Sariwang-sariwa pa sa'kin ang kahapon.
'Di ko ikakahiyang ika'y nakasama,
Dahil sa piling mo ako'y naging masaya.
Eh Kasi Mausisa
Thursday, March 8, 2012
You Know! Like, You're So Conyo!
Habang naglalakad ako kanina sa may Sec Walk matapos ang aking klase sa Filipino 12 kay Sir Edgar Samar ay may nakita akong dalawang babaeng nag-uusap. Magagandang dilag. Mula sa mga mahabang itim na buhok, makinis at maputing kutis, katamtamang laki ng mga braso, nagmumurang mga dibdib na sobrang halata dahil sa nipis ng mga damit, at ang mga hita, talagang masasabi mo na "Grabe, Flawless!" Partida na galing pa ako sa malayo noong nakita ko ang mga iyan. Syempre, hindi naman ako kuntento sa malayuan lamang. Balak ko sana pumunta ng MVP galing sa Sec Walk ngunit dahil nga sa aking nakita ay pinili kong pumunta na lamang agad sa Berchmans para sa susunod kong klase (Pero syempre para rin madaanan ko man lamang ang mga babaeng iyon). Naglakad ako. Naglakad ako ng mabilis na mabilis tapos ay biglang bumagal noong halos katapat ko na ang dalawang babaeng nag-uusap. Ang balak ko lamang sana'y tingnan sila ng malapitan, ngunit hindi ko napigilang pakinggan ang kanilang usapan. Ganito ang kanilang naging usapan:
Babae 1: So what did you guys do kahapon? I'm so selos na.
Babae 2: Wala no. We just make nood some movies at Tony's house. It was so fun!
Babae 1: Really? I should've been there kung hindi lang ako nagka-sickness.
Babae 2: I know right!
'Yan ang naging pag-uusap nila. Syempre may kasunod at pa iyan, ngunit dahil nga dumaan lang naman ako, hindi ko na narinig, at ayaw ko na ring marinig. Natawa naman ako sa sarili noong nakalampas na ako ng Sec A. Kung noong nasa malayo pa lamang ako'y turn on na turn on ako sa kanila, parang biglang nawala lahat ng magagandang bagay sa pisikal na anyo nila. Hindi ko masabi ng malakas, pero sa utak ko ako'y nagsasalita, sumisigaw ng "TURN OFF!!!!!"
Naging kontrobersyal dito sa Pilipinas ang paghahalo ng Ingles at Filipino sa mga usapan. Sa katunayan, may katawagan na nga sa mga taong gumagamit ng ganitong estilo sa pagsasalita. Konyo o conyo. Conyo ka daw kapag mahilig kang magsalita ng Filipino tapos bigla mong sisingitan ng mga salitang Ingles o mahilig kang magsalita ng Ingles tapos bigla mong sisingitan ng mga salitang Filipino.
Kagaya nga ng kwento ko kanina, ang dalawang babaeng nag-uusap sa Sec Walk ay maaaring tawaging mga conyo. Pansinin na pinaghahalo nila ang Ingles at Filipino sa isang pangungusap. Sinabi ko rin sa dulo na naturn off ako sa dalawang babaeng iyon. Bakit? Kasi conyong conyo sila e.
Hindi naman sa galit o ayaw ko sa mga conyo. Ang ayaw ko ay kung paano nila pagsamahin ang mga Filipino at Ingles na salita sa isang pangungusap. Halatang may halong arte ang mga taong nagsasalita ng ganito. Sa halip na mapalinaw ang sinasabi ng isang tao ay mas lumalabo pa. Para sa akin, sobrang nakakairita at hindi kaaya-ayang pakinggan ang mga ganitong uri ng pagsasalita. Nakakabingi, nakakabobo.
Alam ninyo kung ano pa ang pinakanakakatawa sa lahat ng mga ito? Gumawa pa ang mga conyo ng sarili nilang "batas" sa pagiging conyo at tinawag nila itong "10 Conyomandments." Narito ang isang kopya ng 10 Conyomandments at tingnan ko lang kung hindi kayo matawa rito:
Babae 1: So what did you guys do kahapon? I'm so selos na.
Babae 2: Wala no. We just make nood some movies at Tony's house. It was so fun!
Babae 1: Really? I should've been there kung hindi lang ako nagka-sickness.
Babae 2: I know right!
'Yan ang naging pag-uusap nila. Syempre may kasunod at pa iyan, ngunit dahil nga dumaan lang naman ako, hindi ko na narinig, at ayaw ko na ring marinig. Natawa naman ako sa sarili noong nakalampas na ako ng Sec A. Kung noong nasa malayo pa lamang ako'y turn on na turn on ako sa kanila, parang biglang nawala lahat ng magagandang bagay sa pisikal na anyo nila. Hindi ko masabi ng malakas, pero sa utak ko ako'y nagsasalita, sumisigaw ng "TURN OFF!!!!!"
----============----
Naging kontrobersyal dito sa Pilipinas ang paghahalo ng Ingles at Filipino sa mga usapan. Sa katunayan, may katawagan na nga sa mga taong gumagamit ng ganitong estilo sa pagsasalita. Konyo o conyo. Conyo ka daw kapag mahilig kang magsalita ng Filipino tapos bigla mong sisingitan ng mga salitang Ingles o mahilig kang magsalita ng Ingles tapos bigla mong sisingitan ng mga salitang Filipino.
Kagaya nga ng kwento ko kanina, ang dalawang babaeng nag-uusap sa Sec Walk ay maaaring tawaging mga conyo. Pansinin na pinaghahalo nila ang Ingles at Filipino sa isang pangungusap. Sinabi ko rin sa dulo na naturn off ako sa dalawang babaeng iyon. Bakit? Kasi conyong conyo sila e.
Hindi naman sa galit o ayaw ko sa mga conyo. Ang ayaw ko ay kung paano nila pagsamahin ang mga Filipino at Ingles na salita sa isang pangungusap. Halatang may halong arte ang mga taong nagsasalita ng ganito. Sa halip na mapalinaw ang sinasabi ng isang tao ay mas lumalabo pa. Para sa akin, sobrang nakakairita at hindi kaaya-ayang pakinggan ang mga ganitong uri ng pagsasalita. Nakakabingi, nakakabobo.
Alam ninyo kung ano pa ang pinakanakakatawa sa lahat ng mga ito? Gumawa pa ang mga conyo ng sarili nilang "batas" sa pagiging conyo at tinawag nila itong "10 Conyomandments." Narito ang isang kopya ng 10 Conyomandments at tingnan ko lang kung hindi kayo matawa rito:
O ano? Hanga kayo? Kasi ako noong nakita ko ito, natawa ako, pero lalo pang tumindi ang pagkainis ko sa pagiging conyo; sa pagiging conyo, hindi sa mga conyo. Pero hindi ko hawak ang pagpapasiya ninyo, kaya kung nais ninyong maging isang ganap na konyo ay sundin ninyo lamang ang mga nakasulat dito.
Naalala ko ang sinabi ng isang guro ko sa Filipino noong na sa mataas na paaralan pa lamang ako. "Hindi sa pinipigilan ko kayong magsalita ayon sa gusto ninyo, pero mas mainam kung magsasalita kayo gamit ang isang wika lamang. Kung gusto ninyo magpalit habang nagsasalita, sana man lamang ay intayin ninyong matapos ang pangungusap. Kung Filipino, Filipino lang. Kung Ingles, Ingles lang. Bakit? Kasi kung maghahalo ka ng ibang wika kahit sa isang impormal na pag-uusap, nagpapakita ito ng kawalan mo ng mastery sa parehas na wikang ginagamit mo."
E bakit kayo sir bigla kayong nag-Ingles? =)
---========---
Pero syempre naiintindihan ko naman ang puntong ibinigay ng aking guro. Gawin na rin nating pagsasanay sa ating mga wikang nalalaman ang pagkakaroon ng kahusayan sa pagsasalita maging sa di-pormal na usapan.
Tula Para sa FlipTop!
Tutal asaran na lang din naman 'to
Wala nang dahilan para laliman ang mga salita ko.
Para sa mga kasali sa FlipTop, ang kapal ng mga mukha ninyo.
Turing ninyo sa sarili'y makata samantalang mga salita nama'y puro panggagago.
Freestyle rapper ba 'ka ninyo?
E halata namang mga sinulat ng ilang linggo ang mga sinasabi ninyo.
At kung sabihing nagfi-freestyle nga kayo,
Gaya ni Dello,
'Di naman mabilang ang dami ng beses na bumaluktot ang dila ninyo.
Kung magmura akala mo wala ng bukas.
Nangunguna sa lahat,itong si Batas.
Palibhasa kasi ang FlipTop ay kanyang pakulo,
Kaya kahit puro mura, nananalo; halatang luto.
Makata bang maituturing ang mga tulad ninyo,
Na tanging lumalabas sa bibig ay mga mura at kwentong barbero?
Wala namang katuturan ang mga sinusumbat ninyo,
Halatang ginagawa lamang upang manalo.
Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa inyo,
Ngunit sana nama'y respetuhin ninyo rin ang mga makatang Pilipino.
Silang mga mapagpakumbabang makata'y tumanggap ng matitinding ensayo,
Samantalang kayo nagsisimula pa lamang, nagsisiwal na kayo?
Wala akong pakialam kung basahin ninyo man ito o hindi,
Ngunit alam kong oras na gawin ninyo'y magagalit ng matindi.
At alam ko na ang mangyayari, ako'y pauulanan ng malulutong ng mura
Kaya bago pa mangyari iyon ay kayo'y uunahan ko na:
Putang ina ninyong lahat na mga haters ng sinulat,
Baka nakakalimutang FlipTop ito, hindi ba asaran lang naman dito?
Wala nang dahilan para laliman ang mga salita ko.
Para sa mga kasali sa FlipTop, ang kapal ng mga mukha ninyo.
Turing ninyo sa sarili'y makata samantalang mga salita nama'y puro panggagago.
Freestyle rapper ba 'ka ninyo?
E halata namang mga sinulat ng ilang linggo ang mga sinasabi ninyo.
At kung sabihing nagfi-freestyle nga kayo,
Gaya ni Dello,
'Di naman mabilang ang dami ng beses na bumaluktot ang dila ninyo.
Kung magmura akala mo wala ng bukas.
Nangunguna sa lahat,itong si Batas.
Palibhasa kasi ang FlipTop ay kanyang pakulo,
Kaya kahit puro mura, nananalo; halatang luto.
Makata bang maituturing ang mga tulad ninyo,
Na tanging lumalabas sa bibig ay mga mura at kwentong barbero?
Wala namang katuturan ang mga sinusumbat ninyo,
Halatang ginagawa lamang upang manalo.
Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa inyo,
Ngunit sana nama'y respetuhin ninyo rin ang mga makatang Pilipino.
Silang mga mapagpakumbabang makata'y tumanggap ng matitinding ensayo,
Samantalang kayo nagsisimula pa lamang, nagsisiwal na kayo?
Wala akong pakialam kung basahin ninyo man ito o hindi,
Ngunit alam kong oras na gawin ninyo'y magagalit ng matindi.
At alam ko na ang mangyayari, ako'y pauulanan ng malulutong ng mura
Kaya bago pa mangyari iyon ay kayo'y uunahan ko na:
Putang ina ninyong lahat na mga haters ng sinulat,
Baka nakakalimutang FlipTop ito, hindi ba asaran lang naman dito?
Ang Boring ng Buhay ko
Hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay ko.
Wala na nga yatang nangyayaring mabuti sa buhay ko. Kahit nga siguro masama
wala nang nangyayari e. Hindi na nagkakaroon ng mga matinding pagsubok. Oo,
mayroon ngang mga gawaing pang-akademya, kagaya ng journal na ito, ngunit hindi
ito ang pagsubok sa buhay na tinutukoy ko. Ang sinasabi ko ay ang pagsubok sa praktikal
na pamumuhay bilang isang pangkaraniwang binata. Hindi ko matandaan kung kailan
ako huling nagsaya sa buhay, kung kailan ako huling naghirap dahil sa isang
bagay na matagal ko nang pinagpapaguran. Sobrang boring, wala nang challenge.
Bakit nga kaya ang boring masyado ng buhay ko?
E mayroon naman ako ng mga ito:
Ano kaya ang problema? Ano kaya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nakakabato pa rin ang buhay ko? Bakit sa dinami-rami ng mga magagamit na makabagong teknolohiya ay boring pa rin ako?
Ang Facebook ang isa sa mga nangungunang social networking sites sa ating kapanahunan. Dahil sa facebook, nagkakaroon tayo ng mga balita tungkol sa sinumang taong gusto nating malaman o mabalitaan ng hindi kinakailangang puntahan mismo ng personal. Ang YouTube, Google at uTorrent naman ay mga lehitimong site na maaari nating hanapan ng mapaglilibangan.
Lahat ng ito ay kaya ko gamitin anumang oras ko gustuhin. Ngunit bakit hanggang ngayon ay boring pa rin ang buhay ko? Hindi kaya, nagsawa lang talaga ako? Nagsawa sa mga libangang ito kaya muling naging boring ang buhay? Ano nga kaya talaga? Hindi kaya, sawa na lang talaga ako sa buhay kong ito?
Iyan ang mga tanong na nabubuo sa isipan ko. Hindi ko masagot, sapagkat wala akong mahanap na dahilan. Hindi ako makahanap ng mga kasagutang kongkreto dahil sa tuwing nag-iisip ng sagot ay may panibago na namang gusot. Sa bawat kasagutang nakakamtan, isang dosenang katanungan naman ang nabubuksan.
Tatapusin ko na ang blog entry na ito. Isa lamang ang dahilan, nababato na kasi ako.
Wednesday, March 7, 2012
Utot mo!
BABALA:
Ang mga bagay na mababasa sa pahinang ito ay maaaring hindi naaangkop sa mga batang nasa edad apat pababa. Ang mababasa sa ibaba ay naglalaman ng mga sensitibong bagay. Mangyari lamang na gabayan sila o mas mainam na 'wag na nilang mabasa ito habambuhay.
UUUUUUTTTTTTOOOOOOTTTTT!!!!!
U - to the T - to the O - to the T!!!!! (Iyong tono kapag nasa isang cheering competition!)
Ngayon ay tatalakayin ko ang tungkol sa UTOT. Hindi ko kasi maintindihan ang mga tao kung bakit masyadong sensitibo sila pagdating sa utot. Kapag ako umuutot, ang mga tao sa paligid ko, lalo na ang mga kamag-anak ko, sinasabi "Eeeeewwww.. Punyeta ka Pao! Kadiri ka naman! Itigil mo nga 'yan! Nakakadiri! Napaka-immature naman n'yan!" Ewan ko sa kanila! Pero para sa akin, sila itong parang bata mag-isip. Ang pag-utot ay isang bagay na likas sa ating kapaligiran. Isa itong proseso ng buhay. Ibig ko lamang sabihin, hindi ako basta basta pupunta sa isang tao para lamang sabihing "Hoy! Tumigil ka nga sa paghinga mo!" Ang pag-utot ay kapareha lang ng paghinga, parehas silang may inilalabas na gas sa katawan. Ano ba ang pinagkaiba? Mayroon akong nakakasalamuhang mga taong ang hininga ay kasing-amoy lang ng sa utot. Kung minsan pa nga mas malala. Kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung bakit diring-diri ang mga tao sa utot.
Narito ang isang eksena kung saan ay tinitingnan ng mga mananaliksik kung ano-ano ang iba't ibang reaksyon ng mga tao kapag nakarinig o nakaamoy sila ng utot:
*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=W2JI0k9HuZk
Lahat ng nabubuhay sa mundo, umuutot! Tao, aso, pusa, baka, palaka, giraffe, platypie, platypus, platy....... kalabaw, kabayo,at marami pang iba! Kung ganoon, bakit masyadong kontrobersyal para sa mga tao ang pag-utot? Bakit kamo? Kasi iniisip natin na ganoon iyon. Nasa sa atin problema kung bakit masyadong masama ang dating sa atin ng utot.
Para nga pala sa mga hindi nakakaalam, may dalawang pangunahing uri ang mga utot:
Una, ang mga malakas at mapagmataas. Ito iyong uri ng utot na sobrang lakas na siguradong maririnig ng mga taong nakapaligid sa iyo. Malakas nga ito, pero ito iyong klase ng utot na hindi ganoong kalakas ang amoy. Kaya iyong mga ganitong uri ng utot, bagay sa mga pagdiriwang kagaya ng kaarawan! Yay! (Eewwwww!)
Pangalawa, ay ang mga tahimik ngunit mabagsik. Ito ang mas tagong utot kaysa sa naunang kategorya. Ito iyong mga utot na bigla na lang *POOFF*, ganoong kabilis pinakawalan, pero makalipas ang ilang segundo saksakan ng kabahuan. Ang magandang bagay lamang yata dito ay posibleng hindi malaman ng mga taong nasa paligid mo kung sino talaga ang umutot dahil nga walang tunog na narinig ang mga ito.
Sa aking perspektibo, ang pag-utot ay isang bagay na hindi nararapat na ikahiya, pero kung talagang ikinakahiya mo ang pag-utot, narito ang ilang mga payo upang hindi ka mapahiya kung sakaling mapa-utot ka sa harap ng maraming tao.
Pagtaas sa volume:
Ang kailangan mo lamang gawin ay gawing mas malakas ang iyong boses o kahit anong ingay sa lakas ng utot mo!
Pagtanggi:
Kailangan mo lang itanggi nang itanggi nang itanggi!
at syempre, Paninisi:
Kung talagang halatang halata na ang utot mo, isisi mo na lang sa iba!
--======================--
Hindi ba madali lang? Kaya kung ako sa inyo ay hindi ko na pipigilin ang pag-utot ko dahil mas mainam sa kalusugan ang pag-utot! Alam ninyo kung bakit? Kasi kapag sinubukan mong pigilin ang utot mo, ang ibang gas sa katawan mo ay mabubuo. Kapag namuo ang mga ito magiging malaking tao ka. Kapag sobrang laking tao mo na, sasabog ka. Kapag sumabog ka ang mga parte ng katawan mo ay kakalat kahit saan. Mga aso, pusa, tupa, dragon, lahat ng mga iyan kakainin ang mga parte ng katawan mo. Pero ano ang mangyayari kapag nakain na nilang lahat ang buong katawan mo? Tama, isusunod nila ang mga sanggol ninyo.
Gusto mo bang kumitil ng buhay ng isang sanggol?! Dahil sa tuwing pinipigilan mong umutot ay umuunsad ka ng isang hakbang papalapit sa pagpatay ng sanggol, alam mo ba iyon?!
Kaya para sa mga taong palaging nagpipigil ng utot, nagsasabing nakakadiri at immature ang pag-utot, isipin ninyo ito:
Ako, sinusubukan kong magligtas ng buhay. Ano'ng ginagawa ninyo? Pumapatay kayo ng sanggol!
PFFFFFFFFFFFFFTTTTTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!!!!
Flip Top Battles: Labanan ng Mga Makata o ng mga Feeling Makata?
Kamakailan lamang ay nasaksihan ko na naman ang mga laban ng mga "modernong makata" ng Pilipinas. Bilang isang masiyahing binatilyo ay sadyang naaaliw ako sa panonood ng mga ganitong uri ng laban. Bukod kasi sa alam kong walang tunay na nagkakasakitan pagdating sa pisikal na aspekto, maaari pa akong makakuha ng mga bagong biro at rap na maaari kong gamitin upang makapagpasikat sa mga kaibigan! O diba, natawa na ako, nakapagpatawa pa ako!
Unti-unti nang nagiging ganap ang kasikatan ng FlipTop Rap Battles dito sa Pilipinas. Ang FlipTop Rap Battles o mas madalas na tawaging FlipTop ay isang uri ng paligsahan na kung saan ay hinahasa ang kakayahan ng mga kalahok na mag-isip ng mabilis. Ang fliptop kasi ay isang timpalak na binubuo ng dalawang tao sa magkabilang panig. Ang layunin ng paligsahang ito ay ang pagbibigay ng mga mabibigat at magagandang linya laban sa iyong katunggali. Binibigyan ang isang kalahok ng 60 segundo upang sabihin ang lahat ng nais sabihin sa katunggali.
Noong nagsimula ang mga ganitong laban ay nakakatuwang pakinggan ang mga linyang binibitawan ng mga kalahok. Paano kasi, masyadong malalalim, iyong tipong hindi mo na mahukay sa sobrang lalim. Kaya naman, noong naglabas ng panibanong season ang fliptop ay nag-iba na rin ang estilo ng mga kalahok. Kung noon ay pawang mabibigat na salita lamang na tungkol sa pamahalaan at kung ano-ano pang problema sa lipunan, ngayon ay naging mas masaya na ang mga tunggalian. Hindi na gaanong malalim ang mga salitang ginagamit ng mga kalahok, bagkus ay dinadaan na lamang sa pang-iinis o pang-aasar ang mga banat, pero syempre, sa anyong tula pa rin. Kaya ngayon, hindi na palaliman ng linya ang labanan sa fliptop kung hindi asaran. Ang unang maasar at mawala sa konsentrasyon, ay siguradong matatalo. Kaya dito, kapag nanalo ka, ibig sabihin, magaling ka mang-asar! At kapag natalo ka, maaring mahina ka talaga, o sadyang napikon ka lang. At syempre, kapag talo, sari-saring mga kutya at panlalait ang matatanggap mo.
Narito ang halimbawa ng mga sikat na sikat na FlipTop Battles:
Loonie vs. Zaito - Part 1
*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=2Bp7TcNO-CY
Loonie vs. Zaito - Part 2
*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=VTmNEB6AogU
Nakakatuwa silang pakinggan, hindi ba? Mapapansing hindi naman gaanong kalalim ang binibitiwan nilang mga salita, ngunit pansin na pansin kung gaano kalakas ang pang-aasar o pang-iinis ng mga kalahok sa isa't isa. Kung mapapansin ninyo, si Zaito (ang lalaki sa kaliwa) ay hindi na nakapagbitiw ng mga magagandang linya sa huli. Halos inuulit na lamang niya ang mga sinabi niya noong una. Hindi naman natin siya masisisi, sadyang napakagaling naman kasi talagang manlait nitong si Loonie (ang lalaki sa kanan). Lahat na yata ng nakita niya kay Zaito, puro kapintasan. Pero syempre, ang paligsahan ay isang paligsahan. Lahat ng mga ito ay katuwaan lamang. Kaya kagaya nga ng sinabi ko kanina: ang pikon, talo.
Narito naman ang isa sa mga laban na sadyang nakakapukaw ng pansin. Pakinggang mabuti ang mga linyang binibitiwan ng magkabilang panig:
Fuego vs. Batas - Part 1
*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=Tycr21-NO5s
Fuego vs. Batas - Part 2
*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=c4W2A3GdtzM
Mapapansin sa laban na ito nina Fuego (lalaki sa kaliwa) at Batas (lalaki sa kanan) ang isang salitang paulit-ulit na lumabas sa mga bibig nila: PUTANG INA. Oo, sadyang matindi ang dating ng salitang ito, kaya naman bagay na bagay ang salitang ito sa mga ganitong uri ng laban. Ngunit hindi ba't mga "modernong makata" ang tawag nila sa mga sarili nila? E halos mga putang ina na nga lamang ang naririnig ko. Tama pa ba ito? Tama pa bang tawaging mga makatang ang mga taong ganito? Oo, marahil nga'y magaling sila umisip ng mga lirikong sadyang nakakatawa at puno ng mura, pero hindi ibig sabihin noon ay makata na sila.
Paul Virrey
114273
I - BS Computer Science
Tuesday, March 6, 2012
Mga Makabagbag-damdaming Musika: Bakit Ba Masyado Kayong Nakakadala?
Bilang isang binatilyo ay mahilig din akong makinig sa mga napapanahong uri ng musika. Ang mga musikang aking tinutukoy ay Rock, Alternative, RnB, at iba pa. Ngunit sa lahat ng mga kategorya ng musika ay mayroong isang natatanging kategorya na talaga namang kinahihiligan ko, at nakasisiguro akong kinahihiligan din ng marami. Ito ay ang mga makabagbag-damdaming musika o sentimental music. Bakit nga ba sobrang patok ito sa masa at ito'y lubos na kinahihiligan lalo na ng mga kabataang nasa aking edad? Bakit nga ba masyado itong nakakadala?
Hindi ko binabalak na isa-isahin o banggitin kung paano nagsimula at naging tanyag ang mga makabagbag-damdaming musika sa Pilipinas, bagkus ay akin lamang sasabihin ang aking sariling saloobin sa kung bakit masyadong tanyag o kinikilala ang mga ganitong uri ng musika lalo na sa mga kabataang kagaya ko.
Ang mga makabagbag-damdaming musika, o mas kilala sa Pilipinas na senti na mga musika, ay hindi lamang naging sikat ngayong panahon na ito ngunit ito'y dumadaloy na rin sa industriya ng musika simula pa noon. Sa panahong ito, tinatawag natin na senti o emo ang mga musikang ito, marahil ay dahil masyadong mahaba at mahirap din kasi bigkasin ang "makabagbag-damdamin." Ang salitang senti ay nanggaling sa salitang Ingles na sentimental at ang emo naman ay galing sa salitang emotional. Ang dalawang salitang ito ay magkaiba ang kahulugan, ngunit may mga bagay na nag-uugnay sa kanila. Ang dalawang salitang ito ay parehas na naglalaman ng katangian ng pagiging bukas ang kalooban o pagiging masyadong maramdamin. Ito ay ang mga katangian ng mga taong sobra kung magdamdam, o damdamin ang isang bagay o pangyayari. Nararapat lang na ito ang itawag sa mga makabagbag-damdaming musika sapagka't ang mga makabagbag-damdaming musika ay karaniwang tungkol sa pagiging martir ng isang tao dahil sa pag-ibig, pagiging masokista, at iba pang katangiang may kinalaman sa pagkasawi ng damdamin dahil sa pag-ibig.
Narito ang isang kantang nabibilang sa mga makabagbag-damdaming musika na nakasulat at inawit sa Ingles:
Maybe by Secondhand Serenade
*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=HP5vTXUutMY
Narito naman ang isang kanta na may music video na sadyang nakasulat at inawit sa Filipino:
Nang Dahil Sa Pag-ibig na inawit ni Bugoy Drilon
*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=p-UXkM8iMNQ
Napansin ninyo na ba kaagad ang pagkakatulad? Ganyan ang mga senti o emo na tugtugin: malungkot, puno ng kasawian. Mapapansin na bagama't magkaiba ang kanta ay parehas nitong tinutukoy ang pakiramdam ng isang taong nasawi at nasasawi sa pag-ibig.
Ngunit bakit ganito? Hindi ba't puno ng kalungkutan ang mga kantang ganito? Isa lang ang sagot 'dyan: kasi nakaka-relate sila.
Maraming tao ang nadadala sa mga ganitong uri ng kanta sapagkat alam naman natin na sa panahon ngayon ( sa totoo lang hindi lang sa panahong ito) ay napakaraming tao ang nasasawi dahil sa pag-ibig. Maraming hindi sinasagot ng nililigawan, hindi mahal ng taong minamahal, namatayan ng minamahal, at kung ano-ano pang tungkol sa pagmamahal. Maraming mga tao, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa na rin, ang tumatangkilik ng mga ganitong musika sapagkat sa mga kantang ito muli nilang naaalala ang sakit na kanilang naramdaman noong naranasan nila ang pagkasawi. Kagaya nga ng sabi ko kanina, ang mga kantang ito ay nagpapaalala sa mga tao sa kanilang pagiging masokista sapagkat ang pakikinig sa mga musikang ito mismo ay isang anyo na rin ng pagiging masokista.
Halimbawa na lamang sa kantang aking inilagay sa itaas na "Nang Dahil sa Pag-ibig" na inawit ni Bugoy Drilon, makikita natin kung gaano katindi ang pagiging masokista ng isang tao na maaaring umabot sa punto na kahit alam na nitong may ibang mahal ang kanyang minamahal ay pipiliin at pipilin pa rin niya ito dahil sa pag-ibig. Ang mga ganitong pangyayari ay pangkaraniwan sa buhay ng tao. Hindi natin alam kung sino-sino, pero alam nating marami talagang mga taong nagkakaroon ng karanasang ganito. Ito ang dahilan kung bakit napakapatok ng mga makabagbag-damdaming musika sa buong mundo, lalong lalo na sa mga kabataan. Alam nating lahat na ang mga kabataang dumadaan na sa pagbibinata at pagdadalaga ay nakakaramdam na ng mga damdaming kagaya ng pagmamahal at pagkasawi. Ang mga kabataang nasa edad 14 pataas ang kadalasang nagkakaroon ng mga ganitong karanasan, na kung saan magkakaroon sila ng maagang relasyon at matapos ang ilang linggo, buwan, o taon ay maghihiwalay rin. Dahil dito ay mararanasan nila ang pagkasawi sa pag-ibig sa unang pagkakataon, at ang unang pagkakataon, iyon ang palaging pinakamasakit. Dahil dito, maraming mga kabataan ang nawawalan ng pag-asa kaya gumagawa sila ng mga paraan upang mas lalo pa silang maging malungkot, at ang isang paraan ay ang pakikinig sa mga senti o emo na musika.
Ayan, nabanggit ko na rin kung bakit ako, este, ang mga kabataan ngayon ay kinagigiliwan ang mga makabagbag-damdaming musika! Wala namang masama kung magustuhan mo ang ganitong uri ng mga musika dahil lang gusto mo, at wala ng iba pang dahilan. Ngunit, hindi mo maitatanggi ang katotohanan na sa tuwing makaririnig ka ng mga ganitong musika ay may memorya o pangyayari sa buhay mo na bigla mong naaalala dahil sa kalungkutan, sentimyento at pagiging-emosyonal ng awitin.
Paul Vincent Virrey
114273
I - BS Computer Science
Subscribe to:
Posts (Atom)