Hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay ko.
Wala na nga yatang nangyayaring mabuti sa buhay ko. Kahit nga siguro masama
wala nang nangyayari e. Hindi na nagkakaroon ng mga matinding pagsubok. Oo,
mayroon ngang mga gawaing pang-akademya, kagaya ng journal na ito, ngunit hindi
ito ang pagsubok sa buhay na tinutukoy ko. Ang sinasabi ko ay ang pagsubok sa praktikal
na pamumuhay bilang isang pangkaraniwang binata. Hindi ko matandaan kung kailan
ako huling nagsaya sa buhay, kung kailan ako huling naghirap dahil sa isang
bagay na matagal ko nang pinagpapaguran. Sobrang boring, wala nang challenge.
Bakit nga kaya ang boring masyado ng buhay ko?
E mayroon naman ako ng mga ito:
Ano kaya ang problema? Ano kaya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nakakabato pa rin ang buhay ko? Bakit sa dinami-rami ng mga magagamit na makabagong teknolohiya ay boring pa rin ako?
Ang Facebook ang isa sa mga nangungunang social networking sites sa ating kapanahunan. Dahil sa facebook, nagkakaroon tayo ng mga balita tungkol sa sinumang taong gusto nating malaman o mabalitaan ng hindi kinakailangang puntahan mismo ng personal. Ang YouTube, Google at uTorrent naman ay mga lehitimong site na maaari nating hanapan ng mapaglilibangan.
Lahat ng ito ay kaya ko gamitin anumang oras ko gustuhin. Ngunit bakit hanggang ngayon ay boring pa rin ang buhay ko? Hindi kaya, nagsawa lang talaga ako? Nagsawa sa mga libangang ito kaya muling naging boring ang buhay? Ano nga kaya talaga? Hindi kaya, sawa na lang talaga ako sa buhay kong ito?
Iyan ang mga tanong na nabubuo sa isipan ko. Hindi ko masagot, sapagkat wala akong mahanap na dahilan. Hindi ako makahanap ng mga kasagutang kongkreto dahil sa tuwing nag-iisip ng sagot ay may panibago na namang gusot. Sa bawat kasagutang nakakamtan, isang dosenang katanungan naman ang nabubuksan.
Tatapusin ko na ang blog entry na ito. Isa lamang ang dahilan, nababato na kasi ako.
Dahil sa katangiang meta, binibigyan kita ng +1 na LG para sa entring ito, bagaman sana'y sinubok mo ring sagutin ang mga inihain mong tanong.
ReplyDelete