Wednesday, March 7, 2012

Utot mo!


BABALA:

Ang mga bagay na mababasa sa pahinang ito ay maaaring hindi naaangkop sa mga batang nasa edad apat pababa. Ang mababasa sa ibaba ay naglalaman ng mga sensitibong bagay. Mangyari lamang na gabayan sila o mas mainam na 'wag na nilang mabasa ito habambuhay. 


UUUUUUTTTTTTOOOOOOTTTTT!!!!!


U - to the T - to the O - to the T!!!!! (Iyong tono kapag nasa isang cheering competition!)

Ngayon ay tatalakayin ko ang tungkol sa UTOT. Hindi ko kasi maintindihan ang mga tao kung bakit masyadong sensitibo sila pagdating sa utot. Kapag ako umuutot, ang mga tao sa paligid ko, lalo na ang mga kamag-anak ko, sinasabi "Eeeeewwww.. Punyeta ka Pao! Kadiri ka naman! Itigil mo nga 'yan! Nakakadiri! Napaka-immature naman n'yan!" Ewan ko sa kanila! Pero para sa akin, sila itong parang bata mag-isip. Ang pag-utot ay isang bagay na likas sa ating kapaligiran. Isa itong proseso ng buhay. Ibig ko lamang sabihin, hindi ako basta basta pupunta sa isang tao para lamang sabihing "Hoy! Tumigil ka nga sa paghinga mo!" Ang pag-utot ay  kapareha lang ng paghinga, parehas silang may inilalabas na gas sa katawan. Ano ba ang pinagkaiba? Mayroon akong nakakasalamuhang mga taong ang hininga ay kasing-amoy lang ng sa utot. Kung minsan pa nga mas malala. Kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung bakit diring-diri ang mga tao sa utot. 

Narito ang isang eksena kung saan ay tinitingnan ng mga mananaliksik kung ano-ano ang iba't ibang reaksyon ng mga tao kapag nakarinig o nakaamoy sila ng utot:

*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=W2JI0k9HuZk


Lahat ng nabubuhay sa mundo, umuutot! Tao, aso, pusa, baka, palaka, giraffe, platypie, platypus, platy....... kalabaw, kabayo,at marami pang iba! Kung ganoon, bakit masyadong kontrobersyal para sa mga tao ang pag-utot? Bakit kamo? Kasi iniisip natin na ganoon iyon. Nasa sa atin problema kung bakit masyadong masama ang dating sa atin ng utot. 

Para nga pala sa mga hindi nakakaalam, may dalawang pangunahing uri ang mga utot:

Una, ang mga malakas at mapagmataas. Ito iyong uri ng utot na sobrang lakas na siguradong maririnig ng mga taong nakapaligid sa iyo. Malakas nga ito, pero ito iyong klase ng utot na hindi ganoong kalakas ang amoy. Kaya iyong mga ganitong uri ng utot, bagay sa mga pagdiriwang kagaya ng kaarawan! Yay! (Eewwwww!)

Pangalawa, ay ang mga tahimik ngunit mabagsik. Ito ang mas tagong utot kaysa sa naunang kategorya. Ito iyong mga utot na bigla na lang *POOFF*, ganoong kabilis pinakawalan, pero makalipas ang ilang segundo saksakan ng kabahuan. Ang magandang bagay lamang yata dito ay posibleng hindi malaman ng mga taong nasa paligid mo kung sino talaga ang umutot dahil nga walang tunog na narinig ang mga ito.


Sa aking perspektibo, ang pag-utot ay isang bagay na hindi nararapat na ikahiya, pero kung talagang ikinakahiya mo ang pag-utot, narito ang ilang mga payo upang hindi ka mapahiya kung sakaling mapa-utot ka sa harap ng maraming tao. 

Pagtaas sa volume:

Ang kailangan mo lamang gawin ay gawing mas malakas ang iyong boses o kahit anong ingay sa lakas ng utot mo!

Pagtanggi:

Kailangan mo lang itanggi nang itanggi nang itanggi!

at syempre, Paninisi:

Kung talagang halatang halata na ang utot mo, isisi mo na lang sa iba!
--======================--

Hindi ba madali lang? Kaya kung ako sa inyo ay hindi ko na pipigilin ang pag-utot ko dahil mas mainam sa kalusugan ang pag-utot! Alam ninyo kung bakit? Kasi kapag sinubukan mong pigilin ang utot mo, ang ibang gas sa katawan mo ay mabubuo. Kapag namuo ang mga ito magiging malaking tao ka. Kapag sobrang laking tao mo na, sasabog ka. Kapag sumabog ka ang mga parte ng katawan mo ay kakalat  kahit saan. Mga aso, pusa, tupa, dragon, lahat ng mga iyan kakainin ang mga parte ng katawan mo. Pero ano ang mangyayari kapag nakain na nilang lahat ang buong katawan mo? Tama, isusunod nila ang mga sanggol ninyo.

Gusto mo bang kumitil ng buhay ng isang sanggol?! Dahil sa tuwing pinipigilan mong umutot ay umuunsad ka ng isang hakbang papalapit sa pagpatay ng sanggol, alam mo ba iyon?! 


Kaya para sa mga taong palaging nagpipigil ng utot, nagsasabing nakakadiri at immature ang pag-utot, isipin ninyo ito:

Ako, sinusubukan kong magligtas ng buhay. Ano'ng ginagawa ninyo? Pumapatay kayo ng sanggol! 


PFFFFFFFFFFFFFTTTTTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!!!!

1 comment:

  1. Dahil sa himig ng entri, binibigyan kita ng +1 na LG para rito.

    ReplyDelete