Thursday, March 8, 2012

Tula ng Pamamaalam

Kay bilis talaga magdaan ng panahon
Sariwang-sariwa pa sa'kin ang kahapon.
Parang kailan lamang nang ika'y ligawan,
Ngunit ngayo'y naghiwalay na ng tuluyan.

Sa paarala'y dating 'di magkakilala
Nagkakasalubong, ngunit 'di mahalaga.
Nang dumating ang araw na nagkilala,
Buhay ko ay tila napuno ng sigla.

Sa umaga, mukha mo ang nais na makita,
Nagsisilbing lakas upang magpatuloy pa.
Masilayan lamang ang iyong mga mata,
Sulit na ang aking pagpasok sa eskwela.

Sa pasilyo, maglalakad ng magkasama.
Sa hagdanan, magkikita kapag lunch break na.
Sa klase'y ie-excuse para kumustahin,
At sa hapon pag-uwi'y magkasama pa rin.

Kay sarap nga namang balikan ang panahon,
Panahong noo'y sa akin pa nakatuon.
Bakit nga kaya ako'y iniwan mo, sinta?
Kung kailan pag-ibig ay sobra sobra na.

Hindi kita masisi nang ika'y umalis
Bigla mo na lang sinabi na ayaw mo na.
Ika'y napabayaan ko ng labis labis,
At dahil doon, ako ngayo'y nagdurusa.

Sa buhay mo ngayon, sana'y masaya ka na,
Wala ng "ako" para paiyakin ka pa.
Lubhang masakit ng ika'y pinabayaan,
Gaya ng sakit nang ika'y pinakawalan.

Kay bilis talaga magdaan ng panahon
Sariwang-sariwa pa sa'kin ang kahapon.
'Di ko ikakahiyang ika'y nakasama,
Dahil sa piling mo ako'y naging masaya.


1 comment:

  1. Pinagsikapan pa sana ang anyo ng tula, o kaya'y higit sanang naging matalinghaga pa ang tula. Sa ngayon, nagmumukhang prosa ang pahayag na inilatag lang sa taludturan.

    ReplyDelete